Saturday, January 10, 2009

Unos






Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagtulo ng luha
Rumaragasa, umaagos, walang patid

Kasabay ng pagkulog ang panaghoy
Malakas, nagmamakaawa, puno ng hinagpis

Kasabay ng pagkidlat ang pagdilim ng paningin
Masakit, mahapdi, hitik sa pait.

Sana ay hindi na tumigil ang pag-bagyo
Para hindi mapansin ang unos ng nararamdaman
Para maikubli ang aking katauhan.

Kailan masisilayan ang pagliwanag ng langit?

No comments: