Wednesday, April 15, 2009

Nais Kong Malaman Niya


Ang susunod na kuwento ay kathang isip lamang ngunit may konting halaw mula sa tunay na buhay...

======================

"Kailangan ko na umuwi eh."

Kumunot ang aking noo at tinignan ka na waring kinakabisa ang hubog ng iyong mukha. Para hindi ko makalimutan.

Ayoko pang umalis ka. Isa ito sa mga kakaunting panahon na nagkaroon ka ng oras para magkita tayo. Gusto ko sana, kung maaari ay tumigil ang oras para sa ating dalawa.

"Sandali na lang, pwede ba?"

Hindi na sana ako magsasalita pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Sanay ka na rin naman sa mga pakiusap ko na madalas dumadaan sa iyo nang hindi napagbibigyan. Pero iba ngayon. Nararamdaman ko. Dumating ka, hindi ba? Kahit ala-una na ng umaga, dumating ka pa rin at tayo’y naupo sa bangketa sa harapan ng aming bahay.

Tahimik ang buong paligid, wala na ngang dumadaang sasakyan sa kalsada at tayo'y nagbubulungan sa takot na makagising ng mga taong nahihimbing na o di kaya'y makabulabog ang aso ng kapitbahay.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa 'yo. Nakita ko sa iyong mga mata ang paghati ng iyong damdamin kung tatagal ka pa sandali upang makipagtitigan sa akin o uuwi na upang matigil na ang pag-aalala ng iyong ermats.

Kilalang-kilala na kita, alam ko na lagi ang ikikilos mo, ang iyong sasabihin, at ang takbo ng isip mo.

Mahal kita.

Ilang panahon na din kitang minamahal na hindi mo namamalayan. Pero kahit gaano katagal pa kitang patuloy na mahalin, hindi mo ito mapapansin.

"Aalis na nga 'ko, dinala ko lang naman yung flash drive mo na may porno."

Napangiti na lamang ako at sabay nilunok ang matinding pagnanasang yakapin ka ng mahigpit at sabihin sayo ang nararamdaman ko. Wala namang saysay kung aking sasabihin kasi hindi mo naman pwedeng suklian ang pagmamahal ko.

"Sira ulo.. Ingat ka."

Tumawa ka at saka niyakap ako. Pumasok ka na sa iyong kotse at pagka-andar ng makina, binaba mo ang salamin ng bintana at kumaway.

"Sige, bespren. Goodnight!"

Hinintay ko hanggang sa makaliko ang iyong sasakyan sa kanto. Napabuntong-hininga na lang ako at sabay pumasok sa loob.

ang love story ko na hindi...

Sunday, April 05, 2009

Inspector Gadget / The Net

I finally got my new laptop, also last Thursday. Woohoo!!! Kaya siguro hindi rin masyado masama loob ko sa pagkaka-wala ng phone ko, kasi may bago na akong "toy". Hahaha. It's an HP Compaq 6530b with a built in webcam and microphone. How cool is that, huh?

I never thought that I would miss going online sa mga Social and Networking sites like Multiply. But I did. It's been a month or so since I read my Multiply inbox, my Friendster, and my Facebook. Mainly because all of these networking sites were screened by our office firewall and I only get to access them pag nauwi ako ng Cavite (which I haven't done for almost a month).

With my new toy, I hope to be online more often. Hahaha. Free wi-fi zones, here I come!!!!

Losing My Phone



Last Thursday night, I lost my phone via an exceptionally talented pickpocket. I say exceptionally talented because I never felt a thing. Haha

I was going home to the apartment in Cainta from a rehearsal in Pfizer. I put the phone in my pocket and rode the bus from Makati to EDSA Crossing. Ayun, somewhere between going down from the bus and riding the FX to Cainta, nawala yung phone.

The funny thing was, I didn't panic. Parang, wala lang. My friend, Emon, told me na baka kaya ganun, there were so many bad memories attached to that number kaya I didn't feel a sense of loss.

Anyhoo, I was able to retain my number through SMART's number portability. I lost all of the contact numbers in my phonebook, though. SIGH! I also lost all of the photos I was supposed to post in my Project 365 album. Double SIGH! I know I saved a copy of those somewhere. Hindi ko pa makita. Haaaaaaaayyyyy!!!!

So, to all my friends who have my number, text me, so that I can put you on my list again. Introduce yourself, please. Hehehe